Saturday, November 15, 2008

sa maikling sandali...


Kung sakaling may magmamahal sa akin,
gusto ko mahalin nya ako ng walang dahilan,
nang sa ganung paraan,
wala ring dahilan para ako'y kanyang iwanan..


Kung pagbibigyan ako ng isang pagkakataon
isang kahilingan para sa buong magdamag
pipiliin kong bumalik sa aking kahapon
at kung maari sana ay kasama ka...

Nais kitang isama pabalik sa nakaraan ko
para maipakilala ko sayo ang sarili ko
ang simpleng pamumuhay na meron ako
at ang dalisay na pagmamahal
na minsan ay nanirahan sa puso ko.

Isang saglit lang
para maipadama ko sayo
na bago nawasak itong puso ko
minsan sa buhay ko ay nagmahal din ako ng totoo...
isang gabi lang
para maunawaan mo,
na kaya ako nasaktan ng ganito,
ay dahil pinili kong maging maligaya
ang taong pinakamamahal ko...

Maikling panahon lang
makasama ko ang taong minamahal ko,
kahit sandali lang
hindi ako matatakot yumakap sayo,
at sana sa isang saglit man lang
magawa mong mahalin ako,
gaya ng pagmamahal ko sayo...

Isang hiram na pagkakataon,
para makita mo ang lungkot sa mga mata ko...
Isang maikling sandali sa tabi mo,
para maipadama ko sayo
kung gaano ka kahalaga sa buhay ko...


Sa huling sandali ng gabing yun,
Nawa'y mabigkas ko sayo
ang bawat salitang matagal ko ring pinag-aaralan,
mga liham na nakakubli sa naguguluhan kong isipan,
at mga hikbi na kay tagal kung itinago sa aking kalooban..

At sa huling yugto nitong hiram na sandali,
magawa ko sanang iiyak
ang lahat ng sakit na bumabalot sa puso ko
para bukas sakaling magising man ako,
ay wala ng "IKAW" at LUHAng hahadlang pa
sa panibagong buhay na sisimulan ko...

sana...


ito'y buong puso kong isinulat para sayo
sa kabila ng masakit na katotohanan
na kahit kailan ay hindi mo malalaman
na ikaw ang siyang tinutukoy ng liham kong ito.

alam mo ba...
kahit hindi ka magsalita,
buo na araw ko nasa tabi lang kita.
sana mabanggit mo kahit minsan,
na naging masaya ka dahil ako ang iyong kasama.

Handa akong ipagsigawan sa buong mundo
ang tunay kong nararamdaman sayo...
at alam kong kahit ikaw ay nasa tabi ko pa
hindi mo rin maririnig ang tibok nitong puso ko,
ang puso kong nanghihina kasisigaw ng pangalan mo...

Sa kabila ng kirot at sakit dito sa puso ko
na dulot ng labis kong pagmamahal ko sayo
ay ikaw pa rin magpa-hanggang ngayon
ang dahilan kung bakit tumitibok pa ito...

pagmasdan mo ang mga luha ko,
para maunawaan mo ang laman ng aking puso,
at nang maramdaman mo ang pag-ibig ko sayo
na nakakubli sa bawat patak nito...

hindi ko magawang ilihim ang pananabik sayo
ang maging bahagi sa bawat daang nilalakbay mo,
ayaw kong sundan ang mga yapak na tinatahak mo,
ngunit bakit ganito...?
hindi ko maihakbang ang mga paa ko papalayo sayo..

wala na akong lakas pa
hindi ko na maitago ang luha sa aking mga mata..
at hindi ko na rin kayang pigilan pa
ang aking mga ngiting dahan dahan nang nawawala...

hindi ko hihilingin na ibsan mo ang aking kalungkutan,
bigyan mo lang ako ng kaunting pag-asa,
na balang araw ay makakalimutan din kita.
Na isang araw, mawawala ka na rin sa isip ko
at tuluyan ng maglalaho sa loob ng puso ko...


sana...
maintindihan nitong aking isipan,
na kailanman ay hindi mo magagawang tandaan,
ang mahahalagang bagay na hindi ko kayang kalimutan…



at sana...
matanggap nitong aking puso,
ang katotohanan na mas magiging masaya ka
kung wala ako sa buhay mo...



Source:
www.wyteheart.tk
thanks for ur work to post this..in my blog



Sunday, November 9, 2008

Sa araw ng Pasko...



Dama ko na ang malamig na simoy ng hangin
Nakikita ko na ang nagkikislapang mga ilaw sa daan
Natatanaw ko na ang mga batang nagkakantahan sa lansangan
At mga taong abala sa nalalapit na pagdiriwang...

Ilang tulog na nga lang…
Pasko na naman…

kung kaya ko lang pigilan ang pasko
kung kaya ko lang pahintuin ang araw sa pagtakbo nito
gagawin ko ng walang alinlangan at buong puso
hanggang sa sandaling ika’y dumating na dito sa piling ko…

paano ako makakapaghanda
kung wala ka para sabihin ang mga bagay na gusto mo
paano ako makakain sa noche buena
kung wala ka para tikman lahat ng mga niluto ko,
ang mga pagkain na minsa'y naging bahagi ng buhay mo..
paano ako makakapagtayo ng malaking Christmas Tree
kung hindi mo rin mabubuksan ang mga regalo sa ilalim nito
mga regalo na buong taon ko ring pinag-ipunan para sayo…

Sa darating na pasko
Maaalala ko muli ang ating nakaraan
Sa araw ng kasiyahan
muling babalik ang tamis ng ating pagmamahalan
sa muli kong pagdiriwang ng pasko
tanging mga alaala mo na lamang
ang syang natitira at makakasama ko
dito sa puso kong minsa'y naging tahanan mo..

kung ipahihintulot ng diyos
nais sana kitang hiramin sa araw ng pasko
gusto ko lang iabot sayo itong munti kong regalo,
yung photo album na gustong gusto kong ibigay sau...
gusto kong punuin natin ito ng mga larawan
at mga alaala sa huling pasko na ating pagsasamahan...

kung sa susunod man ay magkulang ang aking panalangin
at hindi ka na nya muling ipagkaloob sa akin
sapat na ang limampung pahina ng mga larawan
para maging buo at tunay na maligaya
ang susunod pang limampung taon
na malayo ka sa piling ko…

at sapat na ang isang buong araw na mga alaala
para maipagdiriwang ko ng masaya
ang mga susunod pang pasko
na wala ka na sa buhay ko...


Source:
www.wyteheart.tk
thanks for ur work to post this..in my blog



Tuesday, October 28, 2008

bakit wala ka pang boyfriend (/girlfriend)?

Nyahaha! natawa ako nung nabasa ko kaya share ko rin...
grabbed from shivena uy.. XD
nagcommet din ako katulad ng ginawa niya... *edit edit*


Destiny Addict

Ito 'yung mga taong hinihintay na gumawa ang tadhana ng paraan para pagtagpuin sila ng kanilang mga "soulmates" and whatever. Ayaw kumilos o kung ano pa dahil naniniwala siya na kung sino man 'yung talagang meant for him/her ay darating na lang bigla sa paraang maaaring hindi niya inaasahan--wow, parang Serendipity.

Laging maririnig na nagsasabing: "Dadating din 'yan. 'Wag kasing hanapin!"

>parang sa fairy tales lang noh? haha!

Perfectionist

Simula nung magkamalay ang taong ito, nakalista na ang mga bagay na gusto niya sa kanyang magiging boypren/girlpren. Kapag may nakilala siya at nakitang madumi ang kuko, magkadikit ang kilay, may butas sa ngipin, o parang penguin maglakad, wala na. Turn off na 'yun para sa kanya.

Laging maririnig na nagsasabing: "Ok na sana siya e. Kaya lang gusto ko 'yung ganito..."
> wow! iguhit na lang kaya niya yung gusto niya.. hehe

Busy Bee

Pasensya na sila pero masyado kang maraming inaasikaso tulad ng libro, bolpen, papel at calculator. Umaalis ka ng 6 am sa bahay at umuuwi ng 7 ng gabi 'pag weekdays. Pagdating mo sa bahay, gagawa lang ng homework at matutulog na. Masaya ka nang makanood ng TV 'pag Sabado (at gumawa ulit ng homework). Sapat na sa'yo ang kumain sa labas kasama ang pamilya 'pag Linggo (at gumawa pa rin ng homework).

Laging maririnig na nagsasabing: "Sorry. Wala akong time sa ganyan e."

> nyahaha! eh sa busy talaga.. what naman magagawa mo? pero ika nga... kung ayaw maraming dahilan, kung gusto maraming paraan.. un un eh!

Friend Forever version 1

Kunwari ka pa dyan. Alam mo namang gusto mo talaga 'yang best friend o special friend mo pero hindi mo lang sinasabi at pinapadama dahil ayaw mong masira ang pagkakaibigan niyong dalawa. 'Yung tipong 'pag may kasamang iba 'yung gusto mo, kunwari ka pang masaya ka para sa kanya pero sa totoo lang, gusto mo na malusaw na parang ice caps dahil sa Global Warming.

Laging maririnig na nagsasabing: "I'm so happy for you!" o "Sayang naman 'yung pinagsamahan namin e."

> may kilala ata akong ganyan! bato bato sa langit.. hehe
Friend Forever version 2

Wala tayong magagawa pero talagang malapit ka lang sa kabilang kasarian--pero bilang kaibigan lang. One-of-the-boys, ladies' man. Hindi ka naman homo o bi pero sadyang kaibigan lang ang tingin mo sa mga taong hindi mo kapareho ng chromosomes. Masaya ka nang nakaka-hang-out lang sila, nakakakwentuhan, niyayakap nang walang halong malisya.

Laging maririnig na nagsasabing: "May inuman ba mamaya?" (kung babae) o "Hatid ko ba kayo mamaya?" (kung lalaki)

> ano ka maid?

Born to be One

Single-blessed ka at wala ka nang magagawa kung ganun. :) Nilikha ka siguro para maging mag-isa (kawawa naman!) (pero syempre may pamilya at kaibigan ka naman, duh) hanggang tumanda ka na at ipadala sa Home for the Aged. Marami akong kakilalang mukhang ganito ang patutunguhan at hindi naman sila mga pangit o abnoy talaga. Minsan lang, masyado silang masungit.

Laging maririnig na nagsasabing: "Mag-isa ako."

> "No man is an island... hehe"

Happy-go-lucky

'Eto 'yung taong masaya na sa trip-trip lang at kung anu-anong mga happenings. Kahit sino na lang basta no strings attached. For fun lang at walang seryosohan please. Personally, ayoko nung mga ganito. (ako rin!) Umaapaw lang siguro 'yung mga taong ganito sa L. Magbuhos ka nalang ng malamig na tubig sa iyong buong katawan at solb na 'yan.

Laging maririnig na nagsasabing: "I'm not ready to commit e, but I really like you."

> yah right! playboy material tong taong to ah. haha!

Wrong Time

'Eto naman 'yung mga laging idinadahilan na masyado pa silang bata o kaya masyado na silang matanda. May mga tao raw na ganyan, 'yung pakiramdam nila laging may tamang panahon para sa pag-ibig. Pero ang labo lang kasi tuwing may pagkakataon naman, lagi nilang naiisip na maling panahon pa iyon. Oo, wrong timing lagi ang pag-ibig para sa kanila kasi madalas sumasakto kung kelan meron silang board exams, problema sa pamilya, o long test kinabukasan. :))

Laging maririnig na nagsasabing: "We had the right love at the wrong time..."
> kanta un eh db?
Parent Trap

Ayaw ni mama o ni papa na magkaboypren/girlpren ang kanilang unica hija/hijo kahit na 22 years old na ito at kumikita na ng sarili niyang pera. Kailangan daw magkaron ka muna ng isang strand ng puting buhok bago may makadalaw sa'yo sa bahay. O kaya, baka ikaw 'yung may problema dahil natatakot ka sa iisipin ng mga magulang mo tungkol sa taong iyong gusto. Baka kasi sabihin nila na masyado siyang bansot/ matangkad/ baboy/ payatot para sa'yo.

Laging maririnig na nagsasabing: "Baka kasi magalit si Papa."

> *toooooooooooot!* haha! sounds familiar!

Trauma

Dahil sa dami ng mga heartbreak na iyong nadama at emo songs na napakinggan mo na noon, sinumpa mo nang hindi ka magmamahal. Ayaw mo na. Sawa ka na sa paglalaslas ng pulso, este, sa paglalagay ng mga madramang stat message sa YM at pag-iyak ng balde-baldeng luha. Awwwww. >:D< Pwede rin namang masyado kang insecure sa sarili mo kaya hindi ka makapagmatapang na magventure into some love quest.

Laging maririnig na nagsasabing: "Pagod na pagod na akong masaktan!" *hikbi*

> theme song cguro nito ang sinaktan mo ang puso ko ni michael V. >.<
Your Ex-Lover Is (NOT) Dead

Yikeeee. Mahal pa rin niya ang kanyang ex at hindi siya maka-get-over the person. Boo. Pilit pa ring inaalala ang mga tawanan, iyakan, at PDA moments nilang dalawa kahit 'yung ex niya ay nakikipag-(insert verb here) na sa ibang babae/lalaki. Sasabihin mong nakapag-move on ka na pero pag nagkwentuhan tungkol sa pag-ibig, tandadadaaaaan! Siya na naman naiisip mo.

Laging maririnig na nagsasabing: "I'm over him/her..." *tapos iiyak bigla :))*

> ay... madami akong kakilalang ganito... hihihi

Ayaw

Dalawa na namang kaso ito. Una, ayaw mo lang talaga magka-"someone". Hindi ko na pipilitin ungkatin 'yung dahilan pero may mga pagkakataon lang talaga na ayaw mo.Ikalawa naman, baka...ayaw kasi sa'yo nung gusto mo. And that's the shizzest thing ever! Pwedeng ayaw niya sa'yo dahil may girlpren/boypren siya, busy siya or whatever, o kaya ayaw ka lang niya talaga at wala ka nang magagawa kung ganun. :(

Laging maririnig na nagsasabing: "Ayoko pa magkaboypren/girlpren e." o "Hindi naman niya ako gusto."

 
blog template by suckmylolly.com